I
TESTIMONIALS
CLIENTS
TESTIMONIALS
” Tagumpay na Inabot sa Tulong ng Mount Carmel Rural Bank, Inc. “
– Mrs. Preciosa S. Bilog
” Ako si Preciosa S. Bilog, 56 taong gulang na naninirahan sa Brgy. Balakilong, Laurel, Batangas. Malaki po ang naitulong ng MCRBi sa akin simula nang ako’y maging kanilang kliyente noong March 9, 2017, lalo na sa aking negosyo sapagkat pinagkatiwalaan nila akong makapag-avail ng loan. Sa pamamagitan ng loan na ipinagkaloob sa akin, nadagdagan ang aking kapital at napalawak ko ang aking negosyo. Dahil dito, mas dumami ang aking paninda, nadagdagan ang aking mga suki, at mas lumaki ang aking kita. Nakatulong din ito upang masuportahan ko ang pangangailangan ng aking pamilya. Sa kasalukuyan, mayroon na po akong pangalawang branch ng aking negosyo, na bunga ng patuloy na pagsisikap at tulong pinansyal mula sa bangko. Lubos po akong nagpapasalamat sa tiwala at suporta na ibinigay nila sa akin. Hindi lamang ito isang simpleng pautang, kundi isang oportunidad upang mapaunlad, maging mas matatag ang aking kabuhayan, at makatulong din sa iba. Ngayon, masasabi ko na napakalaki ng naitulong ng bangko sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong mapalago at mapalawak ang aking negosyo. Muli maraming salamat, MCRBi! “.
